Tambayan sa Disyerto > PinoyME NEWS > News and Updates > Pinoy News
Your Ad Here
Full Version: Panahon ni GMA,
maroon 5
Nagbabala kahapon si dating Pangulong Fidel V. Ramos na maiksi na lamang ang panahon ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang babala ay binitiwan ng dating pangulo sa gitna ng alegasyong nagpamudmod ng cash gift ang palasyo sa mga House at local allies noong Oktubre 11.

Sa panayam kahapon kay Ramos, sinabi rin nito na walang nangyaring produktibong pagbabago sa loob ng anim na taong panunungkulan ni Arroyo.

"Time is short because she has many things to do for the good of the country. Six years have already gone and we find ourselves very much still in the same conditions as six years ago," anang dating lider ng bansa.

Idinagdag pa nito na walang kapatawaran o "unpardonable" kung totoo ang alegasyong nagpamudmod ng cash gift ang Malacañang.

"That is unpardonable for it to happen in the premises of the office of the president," ani Ramos, sabay babala kay Arroyo na seryoso ang nasabing alegasyon.

"If you’re sitting on a heated stove, two minutes would be such a long time," dugtong pa nito.

Bilang tugon, sinabi ng Malacañang na iginagalang nito ang pahayag ni Ramos at ayaw nila itong bigyan ng masamang kulay.

Ayon kay chief presidential legal counsel Sergio Apostol, ayaw nilang husgahan ang pahayag ni Ramos at kumpiyansa na nananatili pa rin itong kaalyado ng Pangulo.
PinoyME
ha ha ha ha malapit ng kalusin si GMA
v0nj
nyahahaha
Powered by IP.Board v1.3 © 2003 - iPBFree v.2.1 © 2007